New Feature: Cancel Subsidy

Cancel Subsidy Banner

Grab’s Got Your Back: Subsidy para sa Passenger Cancels at Passenger No-Shows

Ka-Grab, importante sa amin ang oras mo. Kita namin na hindi kanais-nais na experience ang pag-cancel ng pasahero habang papunta ka sa pick-up point o ang hindi pagsipot ng pasahero pagdating sa pick-up point (Passenger No-Show).

Alam namin na sayang ito sa’yong gas, oras, at pagod sa biyahe, kaya’t upang mapaganda ang Grab experience mo, ihahandog namin ang Cancel Subsidy na P35 bawat valid cancel mula October 5 2018Tingnan ang mga cancels na maaaring ma-compensate:

  • Mag-cancel ang pasahero pagtapos ng system time limit nang mag-accept ka, habang on the way sa pick-up point, at nakabiyahe na ng 1km o higit patungo sa pick-up point ng pasahero. Tandaan na mayroong system generated limit para sa tagal ng biyahe papunta sa pick-up point para sa subsidy upang maiwasan ang fraud o violations sa STU.
  • Mag-cancel ang driver dahil sa Passenger No-Show Cancellation. Maaaring makakuha ng P35 compensation kung hindi sumipot ang pasahero pag-pick up ng driver. Para sa detalye ng Passenger No-Show, pumunta sa http://grb.to/passengernoshow
  • Subject sa 2% WHT ang bawat Cancel Subsidy.

Mahalagang Paalala: Galing sa Grab ang subsidy para sa cancellations, ngunit sa susunod, sa pasahero na ito sisingilin. Passenger Cancellations Coming Soon!

Paano ito gumagana?

Automatic na mapupunta ang cancel subsidy sa Cash Wallet pagtapos ng valid cancel. Makikita rin ito sa job history at sa Passbook (http://grabpassbook.com).

Left: Passenger Cancel / Right: Passenger No-Show

Available ang feature na ito sa GrabCar drivers na may updated app version v5.49.0 (Android) / v1.36.0 (iOS) o mas mataas.

Frequently Asked Questions

1. Paano ko makukuha ang subsidy?

Automatic na makukuha ito sa Cash Wallet.

2. Bakit hindi ako nakakuha ng subsidy nung nag-cancel ang pasahero?

Posible na lumampas sa system-generated limit para sa tagal ng biyahe papunta sa pick-up point o hindi umabot sa required distance ang nabiyahe kaya hindi na-compensate. Para ito iwasan ang fraud o violations sa STU. Maaari rin na dahil nag-cancel ang pasahero ngunit hindi umabot sa oras na tinakda ng Grab system.

3. Makakakuha ba ako ng subsidy sa ibang cancel reasons?

Hindi. Kung mula sa driver ang cancel, makakakuha lang ng subsidy kung Passenger No-Show ang cancel reason.

4. Sisingilin ba sa pasahero ang subsidy?

Hindi dapat singilin sa pasahero ang subsidy. Manggagaling sa Grab ang cancel subsidy at mapupunta ito kaagad sa’yong Cash Wallet.

5. Saan ko makikita ang Cancel Subsidy sa Transaction History ko?

Makikita ito sa transaction history ng bawat ride na may qualified cancel subsidy. Makikita rin ito sa Job History. Tandaan na subject sa 2% WHT ang subsidy.

 

Paalala:

  • Tandaan na sa susunod, sa pasahero na manggagaling ang cancel fees. Coming soon!
  • Subject to 2% Withholding Tax ang Cancel Subsidy

20 Comments

  1. Mas maganda sana kung wala na pong tax.
    Or nilakihan naman ng 50 para sa kahit may tax pa.
    Ganun pa man
    Maraming salamat Grab!
    More power
    God bless!

    Like

  2. Ok yan, madalas kasi gawin sa akin ng riders yan na kung kailan ako dumating sa pic up point saka mag cacancelled sayang talaga ang gas at pagod ko lalo na at trafic…kaya maraming salamat ka grab at meron na subsidy…god bless po sa lahat..

    Like

  3. salamat KaGrab naintindehan mokamng mga Drives.diba nag text ako sa kagrab na dapat bawasan ang mga riders na paasa susondoin muna pag datng mo saka mag cancel.ang mahal na ng Dsell.50na 1liter.dapat po 100.ang bwas sa rider na panay cancel.minsan po ka grab ang layo ng sndo.D2ako sa bngbng st.malapit sa SM.sn lasaro.ang sndo ko sa dilpan.tinawagan ko.ang SV po bakit dw ang layo ko.maboti nalng po nag kosng mag cancel.salamat kagrab.yng malapt naman.wag subrng layo.

    Like

  4. Nagpapasalamat ako ng sobra kGrab,dahil gumawa kayo ng paraan para maging ok yong beyahe namin, lalo n sa alanganin na oras ginawan nyo ng paraan para maging ligtas ang aming beyahe!! Thank u so much Grab!!!

    Like

  5. SALAMAT PO KA GRAB SA PAG IINGAT AT SA SUBSIDY SA CACELLATION NA WAY LALO PA TYONG TANGKILIKIN PRA LUMAKI LAKI NAMAN ANG KITA NATIN SA ARAW ARAW NA BYAHE AT TATAAS PA ANG MORAL NG MGA GRAB DRIVER

    Like

  6. Bakit madalang ang booking mula p nung martes dito sa makati? wala bang riders? O kinokontrol ng grab ang byahe? Di nmn ganito dito sa makati? Nagtatanong lng po? May parusa ba ang grab sa akin kaya halos wala akong booking? Ano ba kasalanan ko? Nagttanong lang po

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s