[Manila and Pampanga] Disaster Response Program

Disaster Response Program Banner

Ka-Grab, saludo kami sa inyong serbisyo, lalong-lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Dahil dito, ihinahandog namin sainyo ang Disaster Response Program para maghatid ng tulong kung kinakailangan, habang sinisigurado niyo ang safety ng bawat passenger papunta sa kanilang destinasyon.

Kailan nagiging available ang Disaster Response Program? Tuwing mag-dedeclare ang PAGASA ng orange o red warning signal sa serviceable areas ng Grab.

Paano namin i-cocontact ang Grab kung kailangan namin ng tulong? Mangyari lamang na i-report ang iyong pangalan, plate number, at kasalukuyang sitwasyon (ex. Binaha ang kotse ko) sa mga sumusunod na Grab Channels:

  • Ka-Grab Community App – Typhoon Response Group
  • Customer Support Hotline: 837100 (For Drivers) |  8837101 (For Peers)
  • Grab Emergency Contacts: 09274079011 (Globe) | 09497687711 (Smart)

Sino ang kabilang sa Disaster Response Program? Maaaring mag-avail sa services ng Disaster Response Program lahat ng GrabCar at GrabTaxi Manila drivers, at GrabCar at GrabTrike Pampanga drivers.

Ano ang available services sa program?

1. Towing Services (via truck o boat)

2. Ka-Grab App Live Updates at SMS Alerts ukol sa latest traffic situation, weather condition, flooded areas, etc.

3. Ka-Grab Distress Signal

  • Tumulong sa mga Ka-Grab na nangangailan ng tulong. Abangan lamang ang notification sa Grab Driver app upang makita ang kanilang impormasyon (ex. “Mayroong Ka-Grab na nasiraan ng sasakyan sa Quezon City, kinakailangan niya ng tulong para masundo. Hanapin ang blue Vios na may Plate Number XXX000 sa Maginhawa St.”

4. Emergency Top Up Loan*

  • Ngayong panahon ng bagyo, makakakuha ka ng top-up loan mula sa Grab. Huwag mag-alala dahil ang pagbabayad nito ay ibabawas na lamang sa inyong cash wallet.

*Exclusive to Platinum, Gold, and Silver Drivers ang Emergency Top Up Loan. Para mapabilang sa tiers ng Ka-Grab Rewards, pumunta sa grb.to/kagrabrewards

5. Grab Care Package

  • Ipaalam sa amin kung ano ang nangyari sa inyong sasakyan noong bagyo, at maaaring matulungan ka namin sa pag-repair nito.
  • Para mag-apply sa Grab Care Package, mag-sign up https://grb.to/CAREPACKAGE

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s