An Open Letter to Grab’s Driver Partners

To our dear Ka-Grab Drivers,

Nais ipaalam ng Grab sa inyong lahat na aming pinapahalagahan ang inyong kapakanan bilang aming mga partners. Kami’y taos-pusong nagpapasalamat sa serbisyong inyong ibinibigay sa ating mga pasahero at sa paniniguradong sila’y nakararating ng ligtas sa kanilang destinasyon.

Kung saka-sakali mang kayo’y magkaroon ng problema sa PA o TNVS Franchise, huwag mag-alala dahil naririto ang Grab para magbigay ng financial assistance ukol sa penalties para kayo’y matulungan.

Inyong ipagpatuloy ang mahusay na serbisyo at kami sa Grab ay maniniguradong kami’y susuporta sa anumang isyung haharapin na may kaugnay sa kawalan ng PA o TNVS franchise.

Basahin ang mga susunod na detalye para malaman ang gagawin kung sakaling magkaroon ng issue sa PA:


Question: Pwede pa bang bumiyahe ang mga walang PA o naghihintay ng PA?

Ayon sa LTFRB bawal ang pagbiyahe na walang PA or expired PA dahil kayo ay classifed as colorum.  However, dahil sa pagsuspende nila ng applications, hindi tayo maaaring mag-apply kahit na gusto nating mag-comply sa batas.  Kung pinili ninyong bumiyahe sa panahon na ito, nangangako ang Grab na hindi kayo pababayaan sa daan kung sakali mang kayo’y ma-apprehend dahil sa kawalan ng PA. Handa kayong tulungan ng Grab sa inyong problema.

Question: Ano ang gagawin ko kung ako ay mahuli dahil sa kawalan ng PA?

Kung sakali mang kayo’y mahuli dahil sa kawalan ng PA, itawag kaagad ang issue sa Grab kasama ang mga susunod na detalye:

  1. Pangalan ng Driver
  2. Pangalan ng Operator
  3. Plate number ng sasakyan
  4. Lugar kung saan nahuli

Ireport ang issue na ito sa 09157221958. Huwag mag-alala dahil handang tumulong ang Grab sa lahat ng isyung kaugnay ng PA.

Question: Kung ma-impound ang aking sasakyan, sasagutin ba ni Grab ang gastusin?

Maglalabas ang Grab ng insurance kung saan covered ang impound fee pati na rin ang amortization ng sasakyan ngunit ito ay effective lamang kung ikaw ay nahuli habang kumukumpleto ng booking or on trip.


Question: Kailan tatanggap ulit ng applications ang Grab?

Magsisimula ulit ang Grab magtanggap ng applications kapag pumayag na ulit ang LTFRB na mag-activate kami ng bagong drivers.


Question: Pwede pa bang gumamit ng hatchback na sasakyan?

Sa kasalukuyan, ipinagbabawal nang LTFRB ang hatchbacks at hindi muna mapro-proseso ng Grab ang mga bagong hatchback applications. Kung ikaw ay active driver na gumagamit ng hatchback, naghihintay pa rin ang Grab ng patnubay mula sa LTFRB.


Question: Pwede pa ba ako magdagdag ng sasakyan kung ako’y isang active partner?

Sa kasalukuyan, hindi pa rin maaaring mag-process ng panibagong applications dahil ang isang sasakyan ay nangangailangan ng isang PA. Ang prangkisa ay nakakabit sa sasakyan at hindi sa operator.

Question: Pwede pa ba ako magpalit ng driver sa existing na sasakyan kung ako’y isang active partner?

Maaring magdagdag or magpalit ng driver sa mga existing na Peers o sasakyan na nasa platform na.  Pumunta lamang sa isa sa mga centers natin para gawin ito.


NOTE: Effective ang mga ito hanggang next week (July 29). Bantayan ang post na ito para sa mga karagdagan na impormasyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s