Monitor Your Incentive Remittances on Your Driver App!

Good news, Ka-Grab! Simula May 29, 2017, maaari mo nang imonitor ang iyong INCENTIVE remittances sa Driver App! Para makita ito, magkakaroon ng cash in at cash out entry sa iyong cash wallet na magsisilbing record ng iyong incentive na naremit sayo. Lalabas ang top up entry ng incentives sa app every Monday at ang incentives cash out entry ay lalabas sa app every Tuesday. Wala nang incentives top up at deduct sa credit wallet.

Dito niyo mahahanap ang inyong Cash Wallet History kung saan makikita ninyo ang cash in at cash out para sa incentive remittances:

CASH WALLET FAQs

Q: Iba ba ang cash wallet sa top up/credit wallet?

A: Yes, ang credit wallet ang tinotop up para makakuha ng rides at ito rin ay binabawasan kapag nacomplete ang booking, habang sa cash wallet nilalagay lahat ng GrabPay at Incentive remittances na mapupunta sa GCash.

Q: Ano ang cash wallet?

A: Sa cash wallet makikita lahat ng payouts mula incentives and GrabPay. Dito niyo makikita yung total na ireremit sa inyo sa susunod na araw. Every night ang cash out kaya kadalasan 0 ang iyong cash wallet sa umaga.

Q: Gaano kadalas mangyayari ang cash in at cash out ng incentives sa cash wallet?

A: Every Monday ang cash in ng incentives sa cash wallet at every Tuesday ang cash out nito.

*Note: Nangyayari din ang top up at deduct ng promos every week pero sa CREDIT WALLET siya makikita. Hiwalay ito sa incentives cash in at cash out na makikita sa CASH WALLET. For more info on promo top up deduct, see: http://grb.to/promorecord

Q: May laman na ang cash wallet ko bago pa mag-May 29. Incentives ba ito?

A: Ang cash in at cash out transactions bago pa mag-May 29 ay ang lahat ng iyong GrabPay remittances. Sa May 29, 2017 pa lang magsisimula ang cash in at cash out ng Incentive remittances sa cash wallet sa driver app.

Q: May effect ba ito sa aking credit wallet or earnings?

A: Wala itong effect. Magsisilbi lamang siyang record ng iyong incentive remittances.

Q: Iba pa ba ito sa incentives top up at deduct na nangyayari every Friday?

A: Wala nang incentives top up at deduct na nangyayari every Friday.

Q: Bakit dalawang beses nangyari ang CASH IN sa aking wallet tuwing Monday?

A: Ang isang CASH IN dito ay para sa GrabPay remittances at ang isa naman ay para sa incentives remittances. Isang beses lang ito macacash out dahil iisa na lang ang CASH OUT nila (Tuesday).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s