INTRODUCING: INCENTIVE CARDS. Track your incentives from your Driver App!

NOTE: THIS IS LIMITED TO GRABCAR METRO MANILA AND GRABCAR CEBU DRIVERS ONLY.

Hi, Ka-Grab!

GOOD NEWS! To serve you better, may bagong feature sa app mo: Incentive Cards! Maaari mo nang makita at i-monitor ang mga incentives mo para sa linggo sa iyong Driver App!

ANO ANG INCENTIVE CARDS?

Ang incentive cards ay bagong feature na makikita ninyo sa inyong Grab Driver App. Gamit ang incentive cards, mas madali na ninyong makikita lahat ng incentives na pwede ninyong makuha kada linggo. Mamomonitor na rin ninyo ang inyong progress dahil makikita sa bawat incentive card ang lahat ng rides na qualified for payout.

SAAN KO MAKIKITA ANG INCENTIVE CARDS?

  1. Buksan ang Driver App at i-click ang menu. Select INCENTIVES.

2. Sa ilalim ng LATEST Tab makikita lahat ng ongoing incentives para sa linggo. Makikita rin ang mga natapos na incentive sa ilalim ng ENDED Tab.

ANO ANG MAKIKITA KO SA INCENTIVE CARDS?

Job Cards

I-tap ang alin man sa active incentive cards para malaman ang mechanics ng incentive. Dito makikita ang progress, dates at oras kung kailan valid ang incentive, mga lugar kung saan qualified ang pick-ups and drop-offs, pati na rin ang targets at rewards para sa incentive.

LAHAT BA NG INCENTIVES KO AY MAKIKITA SA INCENTIVE CARD?

Ang Incentive Cards ay nasa beta o testing version pa lamang kaya hindi pa lahat ng incentives ay makikita sa Driver App. Hindi pa rin lahat ng drivers ay makakakuha ng incentive cards. Pero ‘wag mag-alala, dahil matatanggap mo pa rin ang mga incentives mo para sa linggo via SMS and/or e-mail!

KAILAN MAGIGING AVAILABLE ANG INCENTIVE CARDS?

Magiging available na ito para sa’yo simula JUNE 5 (Monday), 6PM! Puntahan lang ang Incentives section ng iyong driver app para makita ang incentives mo. Paalala, dahil ito ay nasa testing phase pa lamang, maaaring hindi lahat ng incentives ay makita sa incentive cards.

TUWING KAILAN NAG-UUPDATE ANG INCENTIVE CARDS?

Makikita mo ang iyong incentives para sa linggo sa driver app tuwing Monday, 6PM.

AVAILABLE BA ANG INCENTIVE CARDS SA LUMANG VERSION NG DRIVER APP?

Available lamang ang incentive cards sa latest version ng driver app (Android v. 5.12 and iOS v. 1.1). Hindi ito makikita sa mas lumang driver app.

BAKIT MAY INCENTIVE CARD SA APP KO PERO WALA SA APP NG IBANG DRIVER, OR BAKIT WALA AKONG INCENTIVE CARDS PERO MERON SA APP NG IBANG DRIVER?

Ang Incentive Cards ay nasa beta o testing version pa lamang kaya hindi pa lahat ng incentives ay makikita sa Driver App. Hindi pa rin lahat ng drivers ay makakakuha ng incentive cards. Pero ‘wag mag-alala, dahil matatanggap mo pa rin ang mga incentives mo para sa linggo via SMS and/or e-mail!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s